top of page
Writer's pictureEl Calibre

2023 District Presscon ginanap; Journalists nag-uwi ng parangal

By: Vienne Irish V. Escueta



Ginanap ang Malvar Sub-office Press Conference noong Oktubre 7 sa Payapa Elementary School kung saan pinili at pinarangalan ang mga campus journalists mula sa mga pribado at pampublikong paaralan na pinakamahuhusay sa larangan ng pagsulat.


Sampung paaralan mula sa high school at 19 naman mula sa elementarya ang lumahok sa patimpalak at naglaban sa iba’t ibang kategorya.


Siyam na kategoryang pang-indibidwal sa Ingles at Filipino ang nilahukan ng mga mag-aaral kabilang ang pagsulat ng balita, editoryal, balitang pampalakasan, pagwawasto ng sipi at pag-uulo ng balita, pagsulat tungkol sa agham at teknolohiya, photojournalism, editorial cartooning, pagsulat ng lathalain, at pagsulat ng kolum. Samantala, pagsulat ng skrip para sa radyo at pagsasahimpapawid naman ang para sa kategoryang panggrupo.

Umaga pa lamang ay makikita ang sigla ng mga mag-aaral sa paglahok sa patimpalak na kanilang pinagsanayan nang mahigit isang linggo. Kasamang dumating ng mga kalahok ang kani-kanilang mga gurong tagasubaybay at mga magulang.


Binigyan ng sapat na oras ang mga kalahok upang maisulat o magawa ang mga piyesa nila para sa patimpalak pagkatapos maipaliwanag ng mga hurado ang mga paksang nakalaan para sa bawat kategorya.


Sa ganap na ika-lima ng hapon, nagsimula ang pagkilala at paggawad ng sertipiko sa mga mga journalists na nakakuha ng ikatlo hanggang unang pwesto sa iba’t ibang kategorya.

60 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page