top of page

Silang may dedikasyon, nagningning sa kompetisyon Bitbit ang pangarap sa laban, umuwing kampeon

By: Frinz Matthew F. Villasoto


HAKOT AWARDS. Hindi nagpatinag at nagwagi ang mga talentadong manunulat at mamamahayag ng El Calibre sa iba’t ibang kategorya sa ginanap na District Schools Press Conference sa Paaralang Elementarya ng Payapa. Ang isang pagkapanalo ay nasundan ng labing-apat pang awards sa individual category at itinanghal din ang El Calibre na Overall Best in Radio Production sa English at Filipino Group Category.


ANG PUSONG KAMPEON. Nabalot ng hindi matatawarang kasiyahan ang buong grupo ng El Calibre kasama ang kanilang coach na si Mrs. Leidelen Telegrapo matapos silang itanghal na kampeon sa rating na 69% mula sa pinagsamang resulta ng individual at group categories sa English, samantalang 61 % naman sa Filipino. Ipinamalas nila ang kanilang dedikasyon at angking talino na nagbigay sa kanila ng pagkakataong magwagi sa nasabing kompetisyon.


ANG LARAWAN NG PAGSISIKAP. Nagwagi ang mga photojournalists ng El Calibre na sina Frinz Matthew F. Villasoto, 16, kaliwa, ang unang pwesto sa kategoryang Photojournalism – Filipino at ikatlong pwesto naman para kay Maria Victoria Hernandez, 17, kanan, sa kategoryang Photojournalism – English. Gamit ang kani-kanilang kamera at hilig sa pagsulat ay nagtagumpay silang magningning sa nasabing paligsahan at makuha ang mga karangalang inaasam nila.


BAON ANG DEDIKASYON. Ipinamalas ng mga pambato ng El Calibre ang kanilang husay sa paggawa ng iskrip at galing sa pagpapahayag sa kategoryang Radio Broadcasting. Ang isang araw lamang na paghahanda ay hindi naging hadlang para magwagi at itanghal silang Overall Best in Radio Production sa nasabing kompetisyon.

コメント


Letters to the Editor

About El Calibre

Letters to the editor , whether submitted electronically or via mail, must include the writer's phone number for verification. Unsigned letters will not be published. If you wish to send a letter to the editor, please do so here.

For concerns about the paper, please contact the Editor-in-chief

Opinions expressed are not necessarily those of the school or the staff.


Our office is located at Malvar Senior High School, Poblacion, Malvar, Batangas 

Subscribe to Our Newsletter

Thanks for submitting!

  • White Facebook Icon

(c) 2019 El Calibre. School Publication of Senior High School in Malvar

bottom of page