top of page

Alab ng Determinasyon, Pusong Kampeon

By: Marianne Katrice P. Linatoc




"At hindi magpapahuli, Malvar Senior High School!"

"F-I-G-H-T, GO FIGHT FOR VICTORY! GO FIGHT! EL CALIBRE!


Oktubre 7, 2023. Kringggg! Kringgggg! Nabasag ang katahimikan ng malakas na tunog na nagmumula sa aking alarm clock.


"Ama, salamat po sa bagong umaga. Gabayan n’yo po kami, bigyan ng lakas ng loob at kalinawan ng isip para sa lalahukang patimpalak sa pagsulat sa Paaralang Elementarya ng Payapa."


Habang nakaupo ako sa paanan ng kama, sa gitna ng silid na naging kulungan ng emosyon at ideya, hindi na mabilang na konklusyon ang naglaro sa aking isipan. Ang kadiliman ay tila nakikiramay sa puso kong nangangamba. “Kaya ko ba?” piping tanong ko sa sarili.


"Kuya, sa tabi lang po." Mainit, ngunit pinagpapawisan at binabalukagan. Sa bawat hakbang papasok sa paaralan ay tila may nagkakarera sa dibdib, parang sasabog ngunit ‘di sa kilig. Tumindi pa nang aking makita ang mga bagong mukhang makakalaban mula sa iba’t ibang paaralan. Dahil sa kabang nararamdaman, nausal ko na "Siguro ako'y tagapalakpak na lamang.”


Nagsimula na ang paunang programa. Umawit, nanalangin at may mga gurong sumayaw pa.


"At, last but not the least, Malvar Senior High School!"


"F-I-G-H-T, GO FIGHT FOR VICTORY! GO FIGHT! EL CALIBRE!"


Nagsimula na ang patimpalak. Napasulyap ako sa ibang manunulat. Bakas sa kanilang mukha ang kumpyansa sa sarili. Tila sila walang nadaramang kaba. Ako’y napabuntonghininga pero napangiti rin at naalalang may pamilyang nakasuporta at gurong ‘di napapagod gumabay at magpaalala.


Kaya pagdaka’y sumulat ako nang buong puso kahit kaalaman sa paksa ay ‘di kalawakan.


Tik! Tak! Tik! Tak! "Time's Up!"


Gutom, pagod at init ay ‘di alintana. Ang hinihintay ng lahat ay dumating na.


"Malvar Senior High School!"


Hindi magkamayaw ang madla. Halu-halong emosyon ang nadarama. Humihiyaw kahit paos na. Tumatalon at nagagalak sa saya. Ang pinaghirapan ay nagbunga na. Kulang ang salita upang ipahayag ang pasasalamat sa gurong nagturo at ‘di sumuko. Nag-uwi ng karangalan at nagkaroon ng mga bagong kaibigan. Gabay ng nasa Taas at dedikasyon na ginamit bilang inspirasyon ang nagpalakas sa loob upang masungkit ang inaasam-asam na tagumpay.


Pumuntang kabado, umuwing plakado.

Comentários


Letters to the Editor

About El Calibre

Letters to the editor , whether submitted electronically or via mail, must include the writer's phone number for verification. Unsigned letters will not be published. If you wish to send a letter to the editor, please do so here.

For concerns about the paper, please contact the Editor-in-chief

Opinions expressed are not necessarily those of the school or the staff.


Our office is located at Malvar Senior High School, Poblacion, Malvar, Batangas 

Subscribe to Our Newsletter

Thanks for submitting!

  • White Facebook Icon

(c) 2019 El Calibre. School Publication of Senior High School in Malvar

bottom of page